Hindi talaga kayang tiisin ni Camilla, ang lalaking mahal niya kaya kahit hindi sila nag uusap ay yumakap na lang siya dito. Alam naman niyang kaya nagawa nito ang bagay na yon sa kapatid na si Kuyang, ay dahil sa sobrang selos. Noong nalaman niya na baka mauwi sa depression ang kalagayan nito dahil sa pag alis niya noon ay nakaramdam siya ng sobrang pagsisisi. Ngayon ay babawiin niya ang lahat ng panahong nawala sa kanilang dalawa. “I love you, Cain, alam kong nagagalit ka dahil sa ginawa naming paglilihim sayo. Ngunit sana maintindihan mo kung bakit nangyari iyon. Kaligtasan ninyo ni Papa, ang nakataya kaya kahit mahirap ay lumayo ako sayo. Kahit alam kong masasaktan kita ay hindi ko sinabi sayo ang totoo kasi mas mahalaga sa akin ang buhay mo.” Bumaling si Cain, paharap kay Camilla,