“Tangna! Kuyang, hindi ka ba gagalaw dyan? Manganganak na si Cherry! Gustong matawa ni Cain, sa itsura ng kaibigan” “Ha? I-ito na nga ano ba ang gagawin ko?” “Ang mga gamit ng baby, nasaan?” “Oh, okay naroon sa nursery room saglit kukunin ko pa.” at tumakbo na siya paakyat sa ikalawang palapag. “Cherry, huwag ka munang umire at baka biglang lumabas ang bata, pigilan mo muna!” Hindi mapalagay na panay lingun niya kung nasaan na ang kapatid. “A-ang sakit, nasaan na ba ang Kuya mo, Moneth?” “Ayan na si Kuya, parating na!” Si Cain, na ang nagmamaneho dahil si Kuyang, ay wala sa sarili at baka kung saan pa sila pulutin. Ganito pala ang pakiramdam ng manganganak ang asawa, siya kaya ganito rin sakaling mabuntis ulit si Camilla? “Kuya Cain, paki bilisan at may dugo nang lumalabas kay Cher