6:00AM ay nasa main gate si Cain, ng mansyon Monteverde, sakay siya ng Ducati motorcycle niya at hinihingan pa siya ng ID’s pati na buong information. “Ano pa ba ang kailangan ninyo para maniwala na isa akong Monteverde? At kaya ako naririto ay dahil kailangan kong abutan si Lolo.” “Pasensya na mister dahil walang info mula sa taas tungkol sa’yo.” “Ah, ganon ba? Sige kung yan ang gusto mo.” tinalikuran niya ito at bumalik sa kaniyang motor. Doon na lang niya hihintayin ang abuelo. Sana lang ay hindi mag chopper dahil siguradong hindi sila magkikita. Gustong mainis dahil parang tamang duda ang mga gwardya na nakatingin pa sa kaniya. Pag siya na inis ay sesanti sa kaniya ang mga ito, may tinawagan pa ito sa telepono at pinaghintay pa siya ng matagal. Kaya nga siya maagap dahil gusto niy