“Alas singko pa lang ng hapon ay bakit tumigil na kayo sa pagtatrabaho?” “Iyon ho ang bilin sa amin ni Kuya, Cain…” At sinong nagbigay ng permission na sagutin mo ako ng ganyan? Stupida! Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ng teenager na anak ni Aling Cora, na taga luto. At hindi pa na kuntento si Diana ay sinipa pa ang kawawang si Angela pagkatapos ay hinila ng malakas sa buhok. Ang tagpong iyon ang inabutan ng kararating ni si Cain, sa sobrang galit niya sa laging ginagawa ng babaeng ito sa mga kasambahay ay malakas niya hinablot ito at hinawakan sa magkabilang braso. “Angela, sampalin mo rin ang gagang to! Do it!” “K-kuya Cain, ayaw ko po…” “Bakit natatakot ka sa babaeng bayolente na to?” Umiling lang ang dalagita at sa awa niya dito ay binalingan si Dianna at malakas niya