Magmula ng mamatay si Moneth, kapansin pansin ang pananahimik ni Cain. Hindi na rin siya makapag focus sa kaniyang trabaho. Everytime na mapapatingin siya sa table nito na tanging glass ang nakapagitan sa opisina niya ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Nakailang secretary na rin siya at walang nagtatagal, dahil ang tingin niya sa mga pumalit sa pwesto na iniwan ng dalaga ay mga flirt na naghahangad na makuha ang kaniyang attention. “Cain, can we talk?” “Okay, go ahead.” nakahiga na sila si Camilla, ngunit pakiramdam niya ay empty siya. Alam niyang nagtataka na ito sa kaniya dahil magmula ng lumabas ito ng ospital at nakabaik ng bansa ay walang intimate na nangyayari sa kanila. Hindi rin niya maintindihan ang sarili bakit tila biglang nawalan siya ng gana dito. Mahal niya si Camilla,