Chapter 31 Halos matunaw na ang yelo sa basong naglalaman ng alak na iniinom ni Gabriel habang malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya inalok si Alime na maging customer nito. Nais lang sana niyang malaman kung nagpapatuloy parin ito sa trabaho nito noon. Parang biniyak tuloy ang kanyang puso ng mapag-alaman niyang patuloy parin ito sa ganoong trabaho. Sa loob ng dalawang taon hindi parin nawala ang sakit na dinulot nito sa kanyang puso. His heart died that night. Unang beses sa kanyang buhay na nagmahal siya ng isang babae. Ngunit ang babaeng iyon ang naging dahilan ng kalungkutan niya. He's sad and broken. He is like a corpse. Pakiramdam niya wala ng saysay ang buhay niya simula ng lokohin siya ni Alime. Every beautiful things turned