Chapter 11 "Tay mga dalawang araw lang siguro babalik na kami ni Gabriel dito. Maaayos na namin ang kaso mo tay. Huwag kang lalabas dito mag isa ha? May body guard ka diyan sa labas tay--" "Anak oo na. Ginagawa mo naman ako ulyanin. Nakasampung beses mo ng sinabi yan anak" Napapakamot sa ulong sabi ng kanyang tatay Natawa tuloy siya at niyakap ito. "Tay naman. Siyempre ulyanin ka na talaga tay. Panay puting buhok kana nga eh" Natawa rin ang kanyang tatay. Kakalabas lang nila kagabi sa hospital dahil paglabas ng tatay niya sa kulungan dinala agad ito ni Gabriel sa hospital upang ipacheck up. Nakita kasi nito na bugbog sarado ang mukha ng kanyang tatay. Awa naman ng diyos walang nabaling buto sa tatay niya, kaunting pahinga at vitamins lang ang nirecomenda ng doktor. Abot langit ang