Chapter 44 "Gabriel hindi ba magkakapalit ng mukha yung mama mo at si Gabriela?" Bulong ni Alime kay Gabriel habang nakaupo sila sa isang private plane ng mga hoffman. Pauwi na sila ngayon sa Pilipinas kasama ang lola at mama ni Gabriel. Ngayon nararamdaman ni Alime kung gaano ba talaga kayaman ang mga hoffman. Napakarami rin nilang kasamang mga body guards sa loob ng eroplano. Nasa kabilang sofa si Mrs.Hoffman habang karga karga nito ang apo. Nasa loob naman ng private room ang lola ni Gabriel dahil nahihilo ito sa loob ng eroplano. May kanya kanya silang kwarto sa loob ng eroplanong iyon. Napakarami ring mga pagkain. "Kaya nga babe. Kunin mo na si Gabriela ako naman ang kakarga" Utos naman ni Gabriel sakanya na ikinatawa niya "Ayoko nga nahihiya parin ako sa mama mo" "Dami niyo nga