~(CHANTAL LANE SY POV) Tumalon-talon si Hailey at Russ hawak ang kamay ng isa't isa nang parehas kulay pink ang sumabog na confetti. Nagtatalon naman si Jade pagkatapos ay sumuntok-suntok sa ere na tila masaya sa nakita. "Yehey! It's a baby girl!" sigaw ni Jaden in happiness na alam kong matagal nang hinihilingan ang tiyan ng mommy niya na sana ay maging babae na ang susunod niyang kapatid. Bakas naman ang sobrag kasiyahan ni Brent na simula pa man ay wala ng kaso kung maging babae o lalaki ang anak niya, he was just really excited dahil matagal bago niya mabuntis si Russ. Napangiti ako sa mga ito. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko. Everytime na nakikita ko ang happiness sa kanila, doble pa roon ang nararamdaman ko. "I hope they will be bffs in the future," ani Russ na mala

