~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Sinubukan kong tawagan si Chantal pero hindi ito sumasagot. Mukhang abala nga talaga ito sa trabaho. Kahit dumadaan ako sa flaunt o kaya'y may photoshoot hindi ko rin ito inaabutan. Inangat ko si Gabby sa ere na hilig makipagkulitan sa akin. Minsan ay ito pa ang humihila sa pants ko at sa damit ko. Minsan naman ay iikot ito nang iikot sa harap ko hanggang sa pansinin ko siya. "Kumusta na kaya 'yung amo mong masungit?" Tumahol-tahol ito. Napatawa ako. Hindi niya gustong tinatawag ko itong masungit kahit totoo naman. He would always bark at me. I was happy dahil alam ko he would always protect that woman. I didn't regret na binigay ko siya kay Chantal. Kahit papaano, Chantal would not feel lonely. "Come on, manuod ka muna sa TV." Sinindi ko ang TV, bumili ako

