Chapter 7

2504 Words
~(CHANTAL LANE SY POV) Hindi ko mamalayan na kanina pa ako nakatingin sa kawalan habang kumakain ng hapunan kung hindi sinubsob ni Gabby ang ilong sa braso ko. Mukhang natapos na nito ang dinner niya. Bumuntong hininga ako at hinaplos ang ulo nito. He was always there for me. Nararamdaman nito kapag malungkot ako o hindi maganda ang araw ko and even he could not talk, lalapit agad ito, titingin sa akin at pipiliting sumiksik. He was always doing his best to comfort me. He was the sweetest. Minsan it was better talaga na kasama ang hayop kaysa sa taong nagpapaka-hayop. I sighed. Ngumiti rin ako nang bahagya rito. Sa totoo lang, he was one of the reasons kung bakit na-excite pa akong umuwi ng unit. I always loved to see those eyes of Gabby. Paglabas ko ng unit ko kinabusakan ay naroon na naman ang pagmumukha ng hayop na tinutukoy ko. Abot pa rin ang pagpapansin nito. He even sent me followers and foods for lunch. Hanggang sa araw-araw ko na itong nakikita. Araw-araw nagpapadala ng bulaklak at pagkain sa opisina ko. He was sending me sweet messages and never get tired giving me sweet gestures kahit pa madalas ko itong palayasin at itaboy. I remember, gano'ng gano'n rin ito noong nagsisimula pa lang ang relasyon naming dalawa. Ang kakaibang kaba, iyong damdaming sumasakop sa akin gano'ng gano'n pa rin ang I hated that. Pakiramdam ko ay tinatraydor na naman ako ng sarili ko at gumagawa ng sariling desisyon na hindi naayon sa mga planong ginagawa ko. Sa bawat araw na nakikita ko ito, kahit pa hindi ko ginagawang madali para sa kanya ang lahat, kahit pa pilitin ko ang sarili kong hindi... unti-unti nararamdaman ko na bumabangon ulit ang puso ko. It was so unfair. Dalawang taon, hindi ko nahilom nag puso ko, but him— 3 weeks. Just f*****g 3 weeks bumabalik sa dati ang lahat... bumabalik sa simula ang lahat. It was so unacceptable that other people could heal you better than you could heal yourself. "Margarita," saad ko bartender pagkatapos ay nilingon ko ang dalawang baklang sumasayaw nang mahalay sa dance floor. Nangingiting napailing ako sa mga ito. Kahit kailan talaga ay hindi papatalo ang mga ito sa sayawan. "Hey, Chantal!" Bumaling ako sa pinaggalingan ng tinig. Agad tumaas ang kilay ko nang makita ko ang pagmumukha ni Roy. Buhay pa pala ito? Bakit? Gustong gusto kong kwestyunin ang universe. Bakit hindi pa sila natutokhang. Nakangisi itong lumapit akin. Malapit na malapit na kinailangan kong iatras nang bahagya ang ulo ko. He smelled alcohol and cigarette. Ngumisi ito at kumagat sa ibabang labi. "Nice to see you here. Lalo kang gumaganda..." "I know. Now f**k off." Bumingisngis ito. "Taray mo pa rin. I like it." Simula noon hanggang ngayon, mukha pa rin siyang m******s at amoy pa rin siyang adik. Nagsimula nitong igitgit ang katawan sa akin. Agad kong tinulak ang dibdib nito palayo. He was strong kaya hindi iyon nagbigay ng malaking space. Still, napalayo pa rin ito. He managed to smirk at me. Nakikita na rin namin ang mga ito noon dahil madalas din sila sa mga clubs pero kami na ang umiiwas at lumilipat ng ibang lugar. Alam naming ikasisira lang ng araw namin ang mga pagmumukha ng mga ito. Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako ay nakuha na nito ang wrist ko. Bumaling ako rito nang may matlaim na tingin. "Mag-uusap lang naman tayo," nakangising anito. Sinubukan kong hilahin mula rito ang wrist ko pero hindi niya iyon binitiwan. Parehas kaming napalingon sa likuran nang may marinig kaming tinig. "May problema ba?" Nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit napatingin lang ako sa mga matang iyon. He was only wearing a red stripe polo-shirt ngunit mukha pa rin itong pormal. Joko was right. Bumagay talaga sa kanya ang gupit niyang semi-kalbo. Lalo siyang nagmukhang neat. Bumaba ang tingin nito sa wrist kong hawak ni Roy. Sandali lang ay binitiwan iyon ni Roy. "Gabe!" masiglang bati nito. "Long time no see. Naalala ko pa noong huling beses na nalasing ka, mukhang enjoy na enjoy ka sa mga bebot na binigay namin sa'yo." Hindi siya pinansin nito sa halip ay lumapit sa akin at hinapit ang baywang ko. Naamoy ko kaagad ang pamilyar na amoy nito. Napadpad naman ang isang kamay nito sa wrist ko na hinawakan ni Roy at marahan iyong hinaplos habang nakatingin rito. "Ano, tara? Shot? Kasama ko—" "Be thankful enough that you didn't leave a trace," malamig na sabi nito. Dumausdos ang mainit na palad nito sa kamay ko pagkatapos ay marahan akong hinila nito. Tumawa lang nang alanganin si Roy. Napansin ko na papunta kami ng dance floor. It was just so weird na narinig ko ang beat na sinayaw namin noon rin sa isang bar... that night we shared a kiss. Bakit ba hindi ko pa nakakalimutan iyon? "I wanna go home." Akmang aalis ako pero nahapit nito ang baywang ko. Nagdikit ang mga katawan naming dalawa. Nakaramdam ako ng pagkabog ng dibdib lalo pa nang maramdaman ko ang mga kamay nito sa baywang ko. Halos sakop na iyon ng mga palad niya. "I guess he saw that." Kahit hindi ko ibaba ang tingin ko ay alam ko kung anong tinutukoy nito sa dibdib ko. I was wearing a spaghetti strap top na mababa ang neckline and a simple tight jeans, kaya naman kita ang kaunting parte ng dibdib ko. When I decided to push the annulment, naisip kong bumalik sa dating ako. Iyong ginagawa ang gusto niya, sinusuot ang gusto niya hindi ang gusto ng asawa niya. I better choose what I want bago pa ako tuluyang magsisi. "And this..." Napalunok ako sa pagdampi ng palad nito sa pisngi ko nakaabot hanggang sa likod ng tainga ko. "the most attractive thing in the world." Nakuha nitong ngumisi. I just didn't expect that. Usually he would blame me kapag may lalaking tumitingin sa akin. Parang kasalanan ko na may mga mata ito, at kasalan kong hindi ako naging invisible. I really couldn't imagine na minsan ko nang pinatulan ang pagiging petty niya. "They can all look at you with desire in their eyes but they can't have my wife." How I hated myself looking into his eyes instead of pushing him away. Hindi ko na narinig pa ang tugtog dahil ang malakas na t***k lang ng puso ko ang naririnig ko. Gumuguho ang sistema ko sa pamilyar na amoy nito. Hindi ko magawang umalis. Naramdman ko ang pagdiin ng mga palad nito na nasa baywang ko. He pulled me closer to him na wala nang kahit anong space sa gitna naming dalawa. Habang nakatingin sa mga mata nito, unti-unting lumalapit ang mukha nito. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko nang magdikit ang dulo ng ilong naming dalawa. Kusang pumikit ang mga mata ko. Hinihintay na dumapi ang mga labing iyon sa mga labi ko but— "Baklaaaa!" Agad kaming napatingin kay Joko na dala-dala ang braso ni Frein sa balikat niya. Mukhang lasing na ang mga ito at finally napagod rin gumiling sa dance floor. "Nakaistorba ba!?" malakas na sigaw nito. Malakas ang music pero hindi naman nito kailangang sumigaw lalo pa at magkalapit lang kami. Tumawa ito. "Akala ko ba magmo-move on ka na!? Bakit parang magtutukaan na kayo d'yan!?" Ano yeeern?" I almost rolled my eyes. "Shut up." Bahagya akong lumayo kay Gabe na noon ay nakakapit pa rin sa baywang ko. "Layas na ako! Okay!? Padilig ka nang hindi ka nanunuyot!" Kung hindi lang ito lasing baka kanina ko pa hinampas ng isang bote ng alak ang bunganga nito. Gabe chuckled habang nakatingin sa akin. Naiinis ako rito ngunit mas naiinis ako sa mgandang ngiting iyon at sa mga dimples na lumitaw sa mga pisngi nito. How dare him laugh? I was never dry. Pagewang-gewang na lumakad si Joko bitbit sa balikat niya ang braso ni Frein. "Ihahatid ko na kayo," anito. Pupwesto sana ako sa tabi ni Frein para tulungan si Joko pero si Gabe na ang lumapit dito. "Ako na." Si Joko na lang na kahit papaano ay nakakalakad pa naman ang inalalayan ko. Palabas na kami ng exit nang palibutan kami nina Warren, Roy at ng iba pa nilang kaibigan. "Heeey, Gabe!" ani Warren. "Pare! Namamakla kana pala ngayon?" Nagtawanan ang mga ito. Hindi ko maiwasang tingnan ito nang masama. Hindi pa rin nagbabago ang mga tukmol. Wala na yata talagang pag-asa na magbago ang mga ito. For God's sake, nagkaka-edad na sila but they were still acting like a teenage boy. "Hi, Chanty," naka-ngising bati ni Warren at hinagod ako ng tingin. Hindi nawala ang ngisi sa mga labi nito pagkatapos ay bumaling kay Gabe. "Ano? Tara? May bago kami ngayon. Siguradong magugustuhan mo." "Get out of our way," malamig na sabi ko rito. "Woah! Roy was right. Hindi ka pa rin nagbabago, Ms. Lane. I love the attitude. Still attractive and sexy..." naka-ngising anito. Lumapit ito sa akin at akmang hahawiin ang buhok ko pero nagsalita si Gabe. "Don't you dare touch her." Bumaling rin dito si Warren nang nakangisi. "Why not? Balita ko hiwalay na kayo, eh. Bawal na bang tikman ang tira mo? Gusto ko lang namang malaman kung gaano siya kasungit sa kama o kung malambing naman pala siyang umungol." "Hoy Warren na jutay, masyado ka ng bastos huh!" sigaw ni Joko rito. "Joks," mahinang saway ko rito. Ayoko nang patulan pa ito dahil noon pa man ay ganoon naman na ang mga ito. "Anong sinabi mo?" Gabe asked. Napalunok ako sa lamig ng boses nito. Binitiwan nito si Frein na agad namang nasalo ni Joko. "Psh, akala mo talaga natatakot pa kami sa'yo? Sino ka na lang ba ngayon?" Tanong ni Roy. "Maangas ka lang naman kapag kasama mo 'yung mga tropa mo." Ngumisi si Warren rito. "Wala kana sa Saavedras. Balita ko kasi winaldas mo ang pera ng ama mo para sa isang investment scam. Gano'n ka pala katanga—" Napaawang ang mga labi ko nang suntukin nito si Warren sa mukha. Sa sobrang lakas no'n ay halos matumba si Warren sa sahig. Agad siyang sinugod ni Roy at ng mga kasamahan pa nito. I couldn't tell him to stop because if he would stop malamang ay mapupuruhan siya ng mga ito. I tried to think straight. Ayokong mag-panic kahit unti-unti ko na iyong nararamdmaan. "Go! Go! Go! Sa mukha papsh!" sigaw ni Joko. Nanunod lang ang ilang nakakita. Muli kong binaling ang tingin ko kay Gabe na noon ay dumdugo na rin ang ibabang labi. Lalo akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Binitiwan ko si Joko at mabilis akong humakbang papunta sa puwesto ng mga bouncers. Mabilis namang sumunod sa akin nag mga ito. Halos napataob na rin ni Gabe lahat ng kalaban ganu'n pa man, agad ko nang pinigilan ang dibdib nito nang malayo siya sa mga ito. Ramdam ko ang lalim ng paghinga nito. "Grabe papsh! Nakaka-in love! Ang galing mo pa lang sumapak! Parang superhero lang sa telenovela ang peg!" Habang nasa byahe, mariin akong pumikit, tumingin ako sa labas ng bintana habang marahang hinapalos ang sentido ko. Pakiramdam ko ay lalo akong nakaramdam ng hilo sa nangyari. Habang tulog na tulog si Frein ay siya namang kinaingay ni Joko sa backseat na abot ang kwento sa nagyari na parang wala kami sa eksena. Naihatid namin ito sa tower nito. Kasama si Frein. It was Sunday tomorrow kaya hindi nila kailngang pumasok sa trabaho. Hindi ko kaagad sinara ang pintuan ng unit ko. Tumingin ako rito. May bakas pa rin ng dugo ang ibabang labi nito at namumula ang gilid ng kaliwang kilay nito. Tingin ko medyo namaga iyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo." Hinayan kong naka-bukas ang pinto bago ako humakbang papasok sa loob. Nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong kinuha nito ang kamay ko at sumara ang pinto sa likuran nito. Napalingon ako rito. Hindi ko pa ito nakikita nang maayos nang maramdaman ko na ang pagkuha nito sa magka-bilang pisngi ko kasabay nang pagsakop nito sa mga labi ko. Naroon na naman ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko sigurado kung anong dapat tumakbo sa isip ko. Marahas ang paghalik nito. Mayroong parte sa akin na hindi gustong matapos o mawaglit man lang ang halik na iyon pero ginusto kong itulak ito palayo. "What are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. He didn't say anything. It was like he didn't regret kissing me. Hindi ko alam kung bakit mayroong malaking pagtutol sa dibdib ko sa pagtapos ng halik na iyon. Para bang parusa sa akin ang paghintong iyon. Muli nitong kinuha ang mga pisngi ko at muli kong naramdaman ang malalambot nitong mga labi. Pinilit kong kumawala at itulak siya. Napatingin ako sa mga matang iyon... iyon ang mga matang hinintay kong makita muli. Malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang wala akong naririnig kung hindi iyon lang. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinuha ko ang mga pisngi nito. Siniil ko ang mga labi nito ng halik without thinking that I should control myself. I knew I would lose my control. Hinayaan kong mawala ako sa bawat paggalaw ng mga labi naming dalawa na para bang matagal naming hinintay muli iyon. It was a long passionate kiss. Hindi ko alam kung paano kami naka-pasok sa loob ng silid ko. Hindi naghiwalay ang mga labi namin hanggang sa maramdamn ko ang paglapat ng likuran ko sa malambot na kama. He continued to kiss my lips habang nararamdaman ko ang kamay nitong unti-unting binaba ang strap ng top ko. Napapaso ako sa init ng mga labi nitong dumampi sa likod ng tainga ko. Pinilit kong hindi gumawa ng daing sa damdaming hinahatid no'n sa buong pagkatao ko. Nagtatalo pa rin ang isip ko pero may malaking parte sa akin na hindi ito gustong pahintuin man lang. Bumaba ang halik nito sa leeg ko. Hindi ko napigilang dumaing nang maramdaman ko ang pagbaba nito sa top ko at pagdami ng mainit na palad nito sa kaliwang dibdib ko. Para akong pinapaso sa mainit na palad at mga labi nitong dumadampi sa balat ko. Isang gabi iyon na puno ng pananabik. Puno ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko sigurado kung dapat bang matuwa ako sa sayang nasa dibdib ko. Gusto ko pa ring mag-isip but I couldn't. All I knew was I didn't want the feeling to vanish. Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko. Hindi— dahil kung gusto ko man, natraydor na ako ng sarili kong katawan. Ng sarili kong bibig na gumagawa ng mga daing. Hindi ko alam kung gaano katagal napuno ng daing ang buong silid at kung gaano katagal kong narinig ang pagtahol ni Gabby seemed to be worried about what was happening on the bed. I let myself to get lost with the feeling he was giving me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD