At kay bilis dumating ang araw na papunta na si Aqua sa De Dios Hospital. Medyo naluha pa ang mag-ina nang magpaalaman ang mga ito. Todo bigay naman ng mga tips at pangaral si Don George. Kahit sina Logan at Adrian ay nalungkot din sa pansamantalang pagkawala ni Aqua sa Mansyon. Habang si Hiro tahimik lang na nakamasid sa lahat. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang cold blooded son ni Don George? Ilang sandali pa at lulan na sina Aqua ng sasakyan na si Hiro ang driver. Nag-insisted kasi itong siya na ang mag-drive at personal na maghatid kay Aqua. Tutal alam naman ni Hiro ang pasikot-sikot sa lugar na iyon. Dahil may malaking ala- ala ng De Dios Hospital sa kanya noong ang mundo niya ay madilim. "Uy, beshy lagi kang mag-iingat ha? Lagi mo kaming i-update sa mga kaganapan ng iyong buha