Kahit anong bilis ni Hiro sa pagpapatakbo nito, traffic pa rin sa short cut na daan. Nagpunta pa din sila sa iba pang rota subalit mataas na ang tubig. No choice kung hindi mag-stay sila sa hotel para palipasin ang baha at malakas na ulan. Pumarada sila sa isang napakapataas na building at sinalubong sila ng isang guard. "Paki-park na lang itong sasakyan salamat," bilin ni Hiro sa guard. "Opo, Senyorito!" Mabilis na sagot ng guard sabay kuha sa susing hawak ni Hiro. Inalalayan naman ni Hiro si Aqua habang bumababa ito mula sa loob ng sasakyan. "Sa inyo ito?" Namamanghang tanong ni Aqua habang nakatingala ito sa building. "Yup. Dito ang isang condo ko dati," sagot ni Hiro at niyakag na niya ang dalaga papasok sa condominium building. Agad na binati sila ng mga staff ang tingin nila ka