60 HIRO POV CONTINUATION "Does it hurt?" Hindi ko napigilang itanong. Tumingi si Aqua sa akin. "Bakit ako masasaktan kung una pa lang alam kong ganito na ang kalakaran ng mga mayayaman." Sagot nito. "Hindi naman lahat," giit ko. "Siguro! Pero, aminin mong ganito ang kaugalian niyong mga mayayaman. Papaano kung mahirap lamang 'yong babaeng gusto mo? Kawawa naman siya kung sa iba ka pala magpapakasal hindi sa tunay mong minamahal." Ani ni Aqua. "May pinaghuhugutan ka ba?" Pagbibiro ko. Ngumiti si Aqua at napailing-iling. "Wala! Naisip ko lang kagaya sa mga novels ganoon," katwiran niya. "Mahilig ka bang magbasa ng mga novels?" Tanong ko naman. "Oo! Lalo na mga motivated books gustong - gusto ko silang basahin." Mabilis na tugon ni Aqua. Napangiti ako at napatango- tango. Ilang s