Despite sa kilig na narararamdaman ni Aqua ay nagawa pa niyang itago iyon at kontrolin. Kaya hinamig niya ang kanyang sarili at muli niyang binalikan si Hiro na naghihinay sa sala. "Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Aqua kay Hiro nang makarating na sila sa mini gym. Halos lumuwa naman ang mga mata ng dalaga dahil lahat ng gamit pang exercise ay naroon nga sa gym. Maski billiard, table tennis at may bowling pa. Kung gusto mong mag-volleyball ay mayroon din ganoon kapag bet mong mag-chess o kaya badminton. "Wow naman! Kaya pala babad kayo rito eh, hindi nakaka-boring." Bulalas ng dalaga. "That's why, I brought you here! At walang tayong gagawin, lahat na lang may trust issue ka. Green minded ka masyado," sagot ni Hiro. "Uy, hindi ah! Nakaka-praning kasi basta mo na lang a