Araw ng board exam ni Aqua pero exhausted siya. Dalawang linggo ng hindi maganda ang kanyang pakiramdam sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagpapa-reseta na din siya kay Dok Alvin ng sleeping pills. Pero hindi pumayag si Dok Alvin bawal daw at hindi maganda ang resulta kapag wala ka namang sakit na related sa pag-inom ng sleeping pills. Walang magawa si Aqua kung hindi ang sundin si Dok Alvin. Nag-search na din siya sa internet ng natural na paraan para sa isang taong hindi maintindihan ang sarili kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Shiela pagtapos ang board exam. Marahang tumango si Aqua. "Naninibago ako sa'yo! Ayaw mo namang sabihin sa akin kung ano ba talaga ang bumabagabag sa'yo. Ang laki na ng pinagbago po magmula no'ng umuwi tayo ga