“Ahm. E-excuse po.” Medyo may pag-aalangang tugon ni Geoff dahil maraming tao ang gustong magpakuha sa kanya ng litrato. “T-teka po.” Pag-aawat niya sa mga tao. Nakahinga na lamang siya nang maluwag nang biglang may dumating na mga security guard para kontrolin ang sitwasyon roon. “Boss, saan po kayo pupunta?” tanong sa kanya ng isang sekyu. “Ah, dyan lang.” Itinuro ni Geoff ang kwarto ni Criselda. “Sige, salamat.” Tinanguan nya ang sekyu. Naglakad si Geoff nang mabilis sa kwarto ni Criselda nang madatnan niya ang ginagawa nina Criselda at ng isang hindi niya kilalang lalaki. Natigilan si Geoff sa nakita niya. Nang bitawan ng lalaki si Criselda ay agad namang nagsalita si Criselda. “Siraulo ka talaga!” nakita niyang ibato ni Criselda ang hawak nitong remote. Nakita rin