"Hoy! Bakla!" tawag ng isang batang babae sa isa pang batang lalaki. Hindi naman lumilingon ang batang lalaki sa batang babae. "Bakla!" sigaw na ng batang babae sa tenga ng batang lalaki. "Ano ba?!" inis namang sinigawan rin ng batang lalaki ang batang babae. Natakot ang batang babae sa pagsigaw ng batang lalaki at nagsimula na itong umiyak. Agad namang nataranta ang batang lalaki sa naging asal ng batang babae. "Uy! Uy...sorry na. Wag ka na umiyak," pilit na pinapatahan ng batang lalaki ang batang babae. "Hindi na ako iiyak pag inamin mong bakla ka!" demand pa ng batang babae sa batang lalaki sa gitna ng mga hikbi nito. Hindi sa kalayuan ay natanaw ng batang lalaki ang kanilang mga magulang na nakatingin sa kanila. Mas nataranta pa siya nang tumayo na ang tatay ng bata