Magkasamang pumasok sa isang suit shop sina Peter at Kristina. Dito kasi nila tatagpuin ang isa sa mga supplier nila ng droga. "Good morning, Ma'am, Sir," bati sa kanila ng isang empleyado roon. "Good morning," bati rin ni Peter rito at inihatid silang dalawa ng babaeng empleyado sa second floor. Madalas na rito si Peter kasama si Mina noon kaya kilala na siya ng mga empleyado rito. Umupo naman sina Peter at Kristina sa sofa. "Iba ho yata ang kasama nyo ngayon?" usisa naman ng babae sa kanilang dalawa. "Tss. Pakialamera. Sasabihan ko si Geoff na tanggalin ka na sa trabaho mo," sabi naman ni Peter sa empleyado. "Pasensya na po. Hindi na po mauulit." paghingi ng dispensa ng babae. "Talagang hindi na," pahabol pang sinabi ni Peter. "Get out of my sight. Pinapainit