"Putang inang Criselda Valdez 'yan!" asar na asar na sigaw ni Peter. Ibinato niya ang hawak niyang telepono. Napalingon siya sa pintuan nang marinig nito na may nagdoorbell. Dali-dali naman siyang tumakbo sa switch ng mga ilaw at pinatay niya itong lahat. "s**t," bulalas nya pa. Nakakarinig na kasi siya ng ingay ng maraming tao sa labas ng bahay niya. "Whoa," sabay sabay na nagulat ang mga tao sa labas ng bahay nya nang bigla na lamang nilang nakita na namatay ang mga ilaw sa loob ng bahay ni Peter. Nainis naman lalo si Peter nang marinig nya ito. Madali siyang pumunta sa garahe niya, pinaandar ang sasakyan at pinindot ang controller ng gate. He drived fast para hindi siya maabutan ng mga reporters paalis. "Lagot ka sakin 'pag nagkita ulit tayo," sabi nya habang iniisip si Criselda