Nasa mga kamay na ni Lani ang papeles na naglalaman ng DNA fingerprint ng bangkay ni Krizelle. She’s in her office. Hindi maipaliwanag na excitement ang nararamdaman nya ngayon na napasakamay niya ang susi para makuha niya ang kabuuan ng Vexare Mafia. Hinawakan ni Lani ang kwintas na suot niya. She opened its locket at kinuha niya mula sa loob nito ang isang memory card: ang memory card na kinuha niya mula kay Krizelle. Inilagay ni Lani ang memory card sa loob ng USB card reader at isinalpak ito sa laptop niya. Binuksan niya ang nilalaman na program ng memory card. Sinalubong siya ng homepage ng program kung saan nangangailangan ito ng dalawang passcode. Naka-save na sa program ang DNA fingerprint ni Lance kaya ang inilagay nalang niya ay ang DNA fingerprint ni Krizelle sa pang