Hinawakan ni Criselda ang ulo niya nang bumangon siya. May hang over pa siya dahil sa dami ng alak na nainom niya noong nakaraang gabi. Umupo siya sa gilid ng kama para alalahanin ang lahat nang nangyari. Everything was doing great as she planned until Daryl showed up and told her that he remembers everything. Napahawak sa mukha niya si Criselda. “How can you be so stupid?” tanong niya sa sarili. Sinabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa inis. Hindi siya makapaniwalang pinagsabihan niya si Daryl ng mga plano niya. “Of all people why him?!” Bumuntong hininga si Criselda. Batid niyang wala na siyang magagawa kundi ang patahimikin si Daryl. Pero naisip niya rin na kung papatayin niya ang binata ay wala na siyang mukhang maihaharap kay Melissa na naturingan pa naman niyang kaibigan.