Pinagmasdan ni Criselda ang bahay mula sa malayo at malungkot siyang napangiti. Kapiraso na lamang ang alaala niya mula sa bahay na ito ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin ang lahat sa kanya. Ang takot na naramdaman niya, ang kinakabahang boses ni Krizelle, ang daan papunta sa bahay nina Giovanni, ang lahat nang nangyari dalawampung taon na ang nakakaraan. Wala itong ipinagbago, naroon pa rin ang maliit na bakod sa harap ng bahay. Ngunit ang paligid ng bahay ang tanda na lumipas na ang panahon, mayroong bagong tayong chinese restaurant sa kanto, sa tabi ng bahay noon ni Giovanni. Mayroon na ring isang apat na palapag na apartment sa gilid ng bahay, dahilan upang magmukha itong maliit. Napangiting muli si Criselda bago mapagdesisyunang umalis. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ti