Dahan-dahang binuksan ni Daryl ang pintuan ng kwarto niya. Tatakas lang siya ngayon sa bahay nila para nga makapunta sa pagdadausan ng karera. Tulog na ang kanyang mga magulang, gayundin si Melissa. Tahimik rin siyang bumababa sa hagdan. Hinanap niya pa ang remote control para sa pagbukas ng gate ng bahay nila para mailabas niya ang nakagaraheng kotse. Dumaan sa backdoor si Daryl papunta sa garahe at sumakay sa sasakyan. Dala niya rin ang remote control. Pumasok siya sa loob ng sasakyan nang mapansin niyang bukas pa pala ang ilaw sa kwarto ni Melissa. Mukhang gising pa pala si Melissa pero isinawalang bahala na lamang niya ito dahil wala rin namang magagawa si Melissa para pigilan siya kung sakali man. Ini-start na niya ang makina ng kanyang kotse at pinindot ang remote para buksan