"Let’s drink?” pagyayaya ni Daryl kay Criselda habang pinapanood nilang palayo ang sasakyan ni Melissa. Tinanguan naman ito ni Criselda bilang sagot. Criselda headed to the couch while Daryl went to the kitchen to get drinks. Nang walang mahanap na hard drinks si Daryl sa kusina ni Criselda, lumabas nalang siya roon at kinausap ang dalaga. “Wala kang alak?” tanong ni Daryl kay Criselda. Iling ang isinagot ni Criselda sa kanya. Wala itong kagana-gana at parang malalim ang iniisip. Nakapalumbaba lang ito at nakatingin sa kawalan. “Sige, bibili na lang muna ako,” sabi ni Daryl. Daryl went out and headed to the nearest convenience store. Namili siya ng alak na iinumin at napailing na lamang siya nang makitang puro pangmasang alak ang naroon. Napilitan na lamang siyang kunin ang tat