Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sakin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang napakagwapong mukha ng asawa ko. Ngumiti ito sakin at dinampian ako ng halik sa labi. "Good morning, my love." At ngumiti muli ng matamis sa akin. Tsk. Ang aga magpakilig. Kainis. Napangiti rin ako. "Good morning din, my love." At hinalikan ko rin siya. Aba! Hindi lang dapat laging siya. Dapat ako rin. Ang haroooot! Tumawa ito at niyakap ako. Siniksik niya rin ang mukha niya sa leeg ko na lagi niyang ginagawa. "Art. May pasok pa ako." Napatingin kasi ako sa alarm clock na nasa side table. Though maaga pa naman pero mabagal akong kumilos eh. Kapag maganda, mabagal talaga! "Wag ka ng pumasok." Ani Art. Natampal ko ang kanyang braso. Naturingang teacher, pinapaabsent ako. "At bak