"TEKA NGA ART!" Pagpigil ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Malapit ng mag-alas dose at ang ibig sabihin lang no'n ay magpapalit na ng taon. Oo, December 31 na ngayon at mga bente minutos na lang ay 2020 na. At hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Art. Kanina pa niya ako hila-hila. Sumasakit na ang paa ko at nagugutom na rin ako! Kanina pa! Ang sarap bigwasan ni Art. Promise! "My love, sumama ka na lang sakin, okay?" Anito at niyakap ako ng mabilis. Mabilis lang yun pero amoy ko pa rin ang pabango niya na nagpabaliktad ng sikmura ko. "ART! ANG BAHO MO! LUMAYO KA SAKIN!" Sabay tulak sa kanya. Tinakpan ko rin ang ulong ko kasi ang baho niya talaga! Hindi naman ganito ang amoy niya dati! "NAGPALIT KA BA NG PABANGO?! BAKIT ANG BAHO?!" Naiiyak na ako sa amoy niya. In