Inalis ko sa isip ko ang sinabi ni Marrione. Ayoko munang mamroblema ngayon. Nakakapagod mag-isip. Gayong malaki pa ang problema ko kay Shauna, dumagdag pa yung sinabi niya. Bahala na. Bahala na sila. Bahala na kung anong mangyayari. Mangyayari naman ang mangyayari, ayawan ko man o hindi. I'm just hoping that we will have an end for this soon. We've suffered a lot because of Shauna and Jaisse. Napakagwapo naman kasi ni Art at dalawang tao na ang nababaliw sa kanya. Kung iwan ko kaya si Art? May magtatangka pa kaya sa buhay ko? "My love." Napaigtad ako ng hawakan ako ni Art. Letse. May kapangyarihan ba ito? Nakuryente ako eh. Napatingin ako sa kanya. "Kanina ka pa nilang tinatanong. You're not answering. Are you okay?" Napatingin naman ako kila Mommy and yeah, they're worriedly looki