"ANG GANDA!" Nasabi ko habang pinapanood ang sunset. Tama si Brix. Ang ganda ngang panoorin ng sunset dito. Akala ko sa mga dagat lang maganda ang view ng sunset. Hindi pala. "Mas maganda ka, Amara." Napairap naman ako. Alam ko na 'yon. Matagal na. "Wag ako ang panoorin mo, Brix! Ang sunset ang pinunta natin dito." Eh paano kasi, nang paglingon ko sa kanya, sakin nakaharap. Jusq. Hindi ko alam na sunset na pala ako ngayon. Ako kasi ang pinapanood niya. He chuckled and turned his gaze to the setting sun. "Kung wala ka lang asawa, liligawan talaga kita." Napailing ako. "So crush mo talaga ako?" Hindi ba nga, crush daw niya ako? Ewan ko lang kung tunay yon. "Yeah. Pero alam kong wala na akong pag-asa sa'yo. May asawa ka na at alam kong mahal mo rin si Sir Art." Hosepina the third? P