"Kakain muna o Arcade agad?" Tanong ni Hosepina. "Kain muna." "Arcade." Sabay na sabi ng apat. Kain muna raw sabi ni Lax at Brix. Arcade naman sabi ni Veen at Simon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Guys, kain muna tayo bago mag-arcade. Gutom na ako." Saad ni Brix habang hinihimas ang tiyan. Binatukan naman siya ni Sai. Sai na lang, ang haba ng Simon eh. "Super Patay Gutom ka kasi kaya hindi na ako magtataka." "Arcade muna para kapag kakain na mamaya, gutom na gutom ka lalo." Ani Veen. Kakapasok lang namin ng Mall. Tapos, nakatigil kami dito sa gitna. Tapos, tapos, pinagtitinginan na kami. Tapos, tapos, hindi pa sila magkasundo! Duh? Hindi ba nila alam na agaw-pansin kami dito? Bukod sa may kasama silang Diyosa, which is ehem.. ako.. ehem.. gwapo rin silang lima at mapapabaling ka