Noong birthday ni Art ay magkasama lang kaming dalawa sa condo ko. Akala ko hanggang gabi na yun pero tumawag sa kanya si Jaisse. Hmp! Kaya walang nagawa si Art kung hindi ang umuwi at doon matulog. Baka rin maghinala si Jaisse dahil hindi siya natulog doon noong isang gabi. Kasalukuyan akong nandito sa Starbucks. Alam nyo na, hinihintay ko ang lima. Bakit lagi na lang ako ang naghihintay sa lima? Umaabuso ang mga iyon ha. Nakahalumbaba lang ako sa lamesa gamit ang kaliwa kong kamay habang hawak naman ng kanan kong kamay ang frappe na in-order ko kanina. Ang tagal talaga ng mga ugok na iyon! Talaga bang walang orasan ka kanila at hindi malamang late na naman sila?! Tsk. Ang sasarap sapukin tig-iisa. Ngayon ang araw na ibibigay sakin ni Simon ang passport ko. I also sent him my pict