Today is Monday and hello school again! Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom— "AMARA!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang tumatakbong sina Laxus, Brix at Simon. Wait.. don't tell me- "Namiss ka namin!" At niyakap nila akong tatlo. Tangina. Sinasabi na nga ba. "Sa..saglit..g..guys..hin..di..ako..ma..maka..hi..hinga.." putol-putol kong litanya. Ang higpit nilang yumakap at take note, TATLO pa sila. Iniipit nila ako eh ang lalaki nila! At feeling ko rin ay pinagtitinginan na kami dito sa hallway. May mga estudyante pa rin kasi dahil maaga pa naman. Agad naman silang kumalas. "Sorry, Amara!" Sabay-sabay nilang saad. Napahawak ako sa dibdib ko dahil naubusan talaga ako ng hangin. Papatayin ba nila ako?! "Are you going to kill me?!" Asik ko. Nginitia