HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! Pinipilit kong makaahon kahit nahihirapan ako. Peste talaga! Bakit ba ang lalim nitong pool na'to? Dapat pala do'n ako sa kiddie pool nagpunta! Nakarinig na ako ng ilang sigawan sa taas. Kung tinutulungan na lang kaya nila ako dito kesa magsisisigaw sila doon, ano? Paano kung mamatay ako? Ang gaga kasi ni Zunaira-anak ni Zuma. Ay, tugma! My ghaaad, Amara. Nasa bingit ka na ng kamatayan at lahat, wala pa rin sa tamang wisyo yang utak mo. Nawawalan na ako ng lakas at nauubusan ng hininga. Ang sakit ng mata ko-lalo na kapag si Zunaira ang nakikita ko- tapos, ghaaaad, hindi ko na keri! Pinikit ko na lang ang mata ko at pinahinga ang katawan ko. Pagod na ako. Tapos nawawalan na rin ng hangin ang baga ko. Kapag ako namatay, si Zunaira ang una kong dadalawin