Pumasok kami sa classroom at as usual, maingay na naman. "Si Sir Art na ang prof natin later." "Yeah, ang gwapo talaga ni Sir!" "Truth! Pabuntis na kaya ako kay Sir? Gandang lahi eh, hindi na ako lugi!" "Bubuntisin ka ba?" "Balita ko may jowa na raw si Sir!" "Oo nga. Nabalitaan ko rin yan." "Ang swerte siguro ng babaeng mahal niya." Yeah. Swerte nga ang taong mahal niya. Tsk. Teka nga, bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? Ay mali, bakit ba ang lakas ng mga boses nila? Naririnig ko tuloy! Naiinis tuloy ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil talaga namang ang malandi kong puso ay tinitibok pa rin ang pangalan niya kahit ayoko na. Ang hirap kasi magmove-on. Sige, itry mo. Kung sana kasing dali lang ng kung paano sabihin ang salitang 'move on' ang pagmomove-on ay matagal ko ng hindi