Chapter 6

1593 Words
Lumipas ang ilang linggo at back to normal si Art. Gaya ng sinabi ko, hindi niya maaalala ang ginawa niya that night. At hindi nga niya naalala. Buti na lang talaga at hindi ako umasa doon. And oh, malapit na rin pala ang aming semestral break kaya naman puspusan ang pagkukumpleto namin ng tasks and activities na binibigay ng mga butihin naming guro. Nakaka-stress maging college! At meron pa palang puspusan ding nagpapansin sa akin. Nabubiwisit na nga ako dahil bumuntot na ng bumuntot na parang aso. Wala ngang kapaguran, tsk. "Joseph, ano ba? Lumayas ka nga sa harap ko." Inis kong turan. Oo. Siya yun. Siya yung lintik na bumuntot na ng bumuntot sa akin. Ghad. Hindi kami close. We're not even friends pero kung makadikit at makasama sakin dinaig pa ang bestfriend! "It's Josephine, Amara. JO-SE-PHINE." And guess what? Yes. Bading siya. Napa-face palm na lamang ako. Ayoko naaaaa~ Ayaw niya akong tantanan dahil besties na raw kami at magkalevel daw ang beauty naming dalawa. "Fine. It's Josephine. Now, Josephine, can you please get out of my sight? Nakakairita ka na, promise." Pero hindi niya ako pinakinggan at inirapan lamang ako ng bonggang bongga. Takteng bakla 'to ah. Umamin siya saking bakla siya at hulaan nyo kung sinong crush nya? Edi si Art! Hindi ko nga ma-take! Ang gwapo-gwapo tapos bakla. Ghaaaaad. What's happening to Earth? Nagkabuhol-buhol na yata ang mga kaluluwa ng mga babae at lalaki sa mundo. But I respect him naman. Kung bakla siya, edi go! Buhay niya yan kaya di ko papakialaman. Siya naman ang pumili niyan para sa sarili niya. "Nagde-daydream ka na naman sis!" Napapikit ako sa tinis ng boses ni Josepina. Nilinis ko ang tenga ko gamit ang hinliliit ko. Feeling ko kasi may bumara at nabingi ako bigla. "Pwede ba, Hosepina? Manahimik ka? Gigilitan ko yang leeg mo, seryoso ako." Inis kong turan. Napangiti naman siya ng hilaw at nagpeace sign na lamang. Pero umirap din sa huli. Juskupo, bakit Ninyo po binigay ang baklang ito sa akin? "Kumain ka na lang, okay?" At nilapag niya sa aking harap ang isang baunang may lamang kanin at seafoods. Natakam naman ako bigla. Hindi ko na siya pinansin at kumain na lamang. Nandito kami ngayon sa field, sa gilid actually. May mga benches kasi dito sa ilalim ng puno. Malilim din at sariwa ang hangin kaya masarap tambayan. Vacant namin ngayon kaya ayan, tambay muna saglit. "So kumusta lovelife mo?" Tanong ni Joseph. Noong una talaga ay hindi ako makapaniwalang bakla siya. Paano ba naman kasi. Gwapo, matangkad. He even dropped me off to my house before, right? Pero umamin siyang bakla siya at naghahanap lang talaga siya ng tyempong sabihin sa akin iyon. Kaya rin niya ako ginambala ay dahil bet niya raw akong friend. As if gusto ko. "Zero." Sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang asawa ko ang crush niya 'no. Baka hindi pa maniwala sakin 'to. "What?! Maganda ka girl, imposibleng zero." Tugon nito. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay umiinom ng tubig. "Edi ligawan mo ako." Seryoso kong sabi kaya naman nasamid siya. Muntik pang mabuga sa mukha ko ang tubig na nasa bibig niya. Eww naman ang baklush na itey. "Crush mo ako 'no? Gosh, we're both pretty! Hindi tayo talo!" Nandidiri nitong saad. Inirapan ko naman siya. Both pretty ka dyan. Magiging lalaki ka ring bakla ka, just wait for the right time and right woman for you. Hindi ko na siya pinansing muli at itinuon ang atensyon sa pagkain. Kain lamang ako ng kain hanggang sa makarinig ako ng impit na tili. Taka naman akong tumingin kay Hosepina. Ano na naman bang kinakikiligan ng baklang ito? "Beshieeee, ang aking bebe Art!" Kinikilig niyang saad. Kaya naman pala. Nakita si Art. Duh, parehas kaya kayong gwapo. Pero anong meron kay Art? "Beshie, he's heading his way here! Lalapitan ako ni bebe Art!" Mababa ang boses niyang saad. Ah, I see. Umirap na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Wala akong pakialam sa kanya at mas lalong wala akong pakialam kay Art. "Ms. Salvador." Natigil sa ere ang aking kamay na may hawak na kutsara, susubo na sana ako eh, pero tinawag lang ako ni Art kaya natigil. Sinubo ko muna ang kutsarang may lamang pagkain bago siya tingnan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Hosepina. "Bakit po?" Walang gana kong tanong. Ano na naman ba kasing kailangan niya? Tiningnan ko naman si Hosepina at ang bakla, titig na titig kay Art. Hays, sayang talaga siya. "Ms. Salvador!" "Ano ba?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya napasigaw din ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na napalingon sa akin si Hosepina. Damn it. "I-I'm s-s-sorry, Sir." Napayuko ako. Syempre, kailangan kong umakto. Nandyan si Hosepina at baka kung ano pang isipin niyan. "It's okay. Just go to my office after your class." Pagkasabi niya noon ay umalis na rin siya. Yun na yon? At ano na namang kailangan niya ha? Papalinisin na naman niya sa akin ang opisina niya? Ha? "Grabe ka girl! Nasigawan mo si Sir! Buti at hindi nagalit ang bebe ko!" Ani Hosepina. Hindi ko siya pinansin at tanging nakatingin sa likod ni Art na papalayo sa amin. I'm wondering what he is up to. - Nakaupo ako ngayon sa harap ni Art. Nandito na ako sa office niya. Anong gagawin ko dito? Hindi ko rin alam. I have no idea. Tahimik lang ako. Ayoko siyang kausapin. Bahala siya dyan. "Come with me." Binasag niya ang katahimikang namamayani sa aming dalawa. Napabaling naman ang tingin ko sa kanya ng marinig iyon. Saan naman kami pupunta aber? Ba't hindi niya isama ang magaling niyang kabit? "Go with Shauna. I have no time to accompany you." Tumayo na ako dahil wala akong panahong makipaglokohan sa kanya. Akala ko kung ano ng importanteng bagay ang sasabihin niya, walang kwenta lang pala. "Amara!" Tawag niya. Humarap ako sa kanya at inis na tumingin. "Ano na naman ba? Saan mo ako dadalhin? Sa dagat? Lulunurin mo ako hanggang sa mamatay ako? Sa bundok? Tapos ihuhulog mo ako para mamatay ako? Sa sementeryo? Tapos ililibing mo ako ng buhay? Ano, saan? Bilis! Stop wasting my time." Inis kong turan. Humalukipkip pa ako habang nakatayo sa harap niya at naghihintay sa sasabihin niya. Naiinis talaga ako. For real. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Ang patayin ka? Sa tingin mo ba magagawa ko yun—" I cut him off. "Bakit, hindi ba? You nearly killed me. Pinapatay mo rin ako emotionally di ba? Kulang na nga lang pati spiritually at mentally para lahat ng aspeto ng pagkatao ko ay patay na." Sabi ko at inirapan siya. He just stared at me. Pinantayan ko ang titig na binibigay niya. Ayoko ng matalo this time. "Just come with me and shut your little mouth up." Pikon nitong turan. Hindi ba siya makaintindi? I snorted. "No. I don't want to be with you." Tumalikod na ako sa kanya pero hindi pa ako nakakalayo ay nahawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya. "Amara.." Why does his voice sounds like pleading? No, Amara. Imagination mo lang yun. Winaksi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "I don't want to. Punish me all you want but I'm not coming with you." Tumalikod akong muli at naglakad na. Pero napatigil ulit ng magsalita siya. "Damn it! Just come with me. Is it a hard task to do?" He said. Hindi ako humarap sa kanya. Ayokong makita ang hitsura niya ngayon at baka magbago ang isip ko. "Yes. It's a hard task to do especially if it's you I'm coming with." Tuluyan na akong naglakad palabas ng opisina niya. These past few days ay medyo naninibago ako kay Art. I don't know. Maybe it's just his facade and he's up to something. Hindi ko alam. He's not giving me punishments like before lalo na kapag sinasagot-sagot ko siya. Mabuti na rin yon. Natauhan yata dahil sa mga sinabi ko. Pero hindi ako dapat makampante, alam ko yon. I love him but I don't trust him anymore. Paano ko pagkakatiwalaan ang isang katulad niya? Taksil lang talaga itong puso ko at patuloy lang ang pagtibok sa kanya. - Nang makarating ako sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Bumaba ako at nagpunta sa kusina. I want to cook. Pangpatanggal stress at inis. Stress na nga sa school works, naiinis pa kay Art. Mag-aayos na sana ako ng gagamitin ko pagluluto pero natigil ng makarinig ako ng pagdoorbell. Do we have visitors today? Pumunta ako doon at ako na ang nagbukas. Pagbukas ko ng gate ay pumasok ang tatlong kotse. Mukhang kilala ko na ang mga bisita namin. Ay mali. Let me rephrase that. Bisita ni Art. Sinara ko ang gate at naglakad pabalik sa pintuan. Bumaba na rin ang tatlong asungot sa kani-kanilang sasakyan. "Hi, Amara." Bati sakin ni Philip. Blangkong tingin lamang ang pinukol ko sa kanya at nilampasan siya. Gaya ni Art, wala rin akong pakialam sa mga kaibigan niya. Yes, they are Art's friends. Pumasok na lamang akong muli sa aking kwarto. Nawala ako sa mood magluto kung ang kakain lang naman din ay sila. Sila na nakasaksi kung paano ako pahirapan ni Art pero wala man lang ginawa para pigilan ito. Ni hindi man lang nila inawat si Art o kung ano. Tsk. I laid in my bed with spread arms and stared in the ceiling. Amara, when will you be happy? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD