Nagising ako dahil ang sakit ng ulo ko pati na rin sa init ng araw na tumatama sa balat ko. Sino ba kase ang nagbukas ng bintana? Wala sa sariling naupo ako habang nakahawak sa ulo ko. Bakit ang sakit nito? Parang hinahati sa gitna sa sobrang sakit. Tumayo na lamang ako at diretso sa banyo. Pipikit-pikit pa ako dahil inaantok pa ako. Kung bakit ba naman kasi ang sakit ng ulo ko eh! Nang makapasok ay agad akong humarap sa salamin. Pero halos mapamura ako dahil sa hitsura ko. Waaaaaahhhh, may multoooooo! At ang pangit! Then I realized. It's my reflection! Shit.. Bakit ang pangit ko?! Ghaaaad. Ang itim ng ilalim ng mata ko at namumugto rin mismo ang mata ko! Kalat kalat ang lipstick tapos ang pisngi ko ay pak na pak at parang nasapak! Another GHAAAAAAAD. What did I do last night?