"Nagdrama ka na nga, nandamay ka pa." Sabi ni Sai. Wews. Akala ko hindi iiyak 'to eh. Napatawa naman ako habang nakatingin sa lima. Tsk. Hindi man gano'n kaswerte ang buhay ko dahil maraming kontrabida, swerte naman ako at kaibigan ko ang limang asungot na ito. Ang gugwapo eh. Ang swerte ko talaga. Hays. Binalingan ko naman sina Mommy. "Mom, Dad, thank you rin po sa inyo. Kung hindi nyo ako ginawa, wala kayong magandang anak." Natatawa kong sabi kina Mommy at Daddy. Dad 'tsk' pero natatawa naman. "Ikaw talagang bata ka." Tapos niyakap ako. Ganon din si Mommy. "Sundan ka namin, gusto mo?" Tanong ni Dad. Hinampas naman siya ni Mom. "Ikaw talaga, Mateo!" Ani Mommy. "Why? Ayaw mo ba?" Inirapan naman siya ni Mommy. Ang lalandi, jusq. Kita Tita Angelou at Tito Carl naman ako humarap. "