Isang matinding liwanag ang aking nakita dahilan para mapapikit akong muli. Pagbukas ko ng aking mga mata ay isang napakagandang paraiso ang aking nasilayan. Nasaan ako? Ang araw ay waring kakasikat pa lamang at hindi ito masakit sa balat. Ang mga puno ay magarbo at berdeng berde ang mga dahon, ganoon din ang mga halaman. Ang mga bulaklak ay napakagaganda at may mga paru-paro pang dumadapo. Ang ganda dito! Napatingin ako sa aking kasuotan. Nakaputi akong bistida. It's so light and comfortable. Nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin. Walang tao. Ako lang ba ang nandito? Nasaan ako? Bakit ako nandito? For sure ay walang ganitong klaseng lugar sa Earth. Wait— In-abduct ba ako ng mga alien? Amp! "Arf!" Napatigil ako sa paghehestirical sa loob-loob ko ng marinig iyon. So, walang t