Matapos malaman ni Hosepina na mag-asawa kami Arthur, naging normal naman ang lahat. Back to being beki siya at pinagpapantasyahan niya pa rin si Arthur. Baka naman talaga namalik-mata lang ako? Maybe. Lagi namang nangyayari iyon sa akin kaya papabayaan ko na lang. "Hindi mo alam ang mga ginawa ni Arthur para lang sa'yo." Muling nagbalik sa isip ko ang narinig ko mula kay Philip-one of Art's friends. Since sembreak na, nagkukulong lang ako sa bahay. Wala rin naman akong gagawin. Wala pa sina Mommy dito, bukas pa pupunta. Bumaba ako kanina para sana magmeryenda pero naabutan ko doon ang tatlong kaibigan ni Arthur. Sina Philip, Patrick at Priam. The 3Ps. Pero wala roon si Arthur. Dahil hindi ko naman sila close at ayoko silang makita at kausapin ay hindi ko sila pinansin. But Philip