IKATLONG PERSONA (THE DAY OF AMARA's OPERATION) @Art's Office, France, 7:38AM Arthur is pacing back and forth. Hindi siya mapakali. Kanina lamang ay tumawag sa kanya si Amara. Pero pakiramdam niya ay may kakaiba. Hindi siya nakauwi noong nagkaraang araw dahil sa dami ng responsibilidad niya. Gustuhin man niya ay pinigilan siya ng sekretarya niya. "SIR!" "WHAT?!" Inis niyang tiningnan ang sekretarya niya. He's really not in the mood-he means, something is off. Nangangamba siya sa hindi malamang dahilan. Iniisip niya rin si Amara. Paano kung may masamang mangyari dito? Anong gagawin niya? "S-Sorry p-p-po.. k-kanina pa p-po ka-kasi nag-start ang meeting at hi-hinihintay na po k-kayo.." ani sekretarya niya ng nakayuko. Napahilamos siya ng kanyang mukha't napabuntong hininga. f**k his