Bag Hindi ko aakalain na sa magarang restaurant ako dadalhin ni Sir Frosto. Gusto kong umapila kanina pa dahil baka hinahanap na ako ni inay. "Sana sa simpleng kainan nalang po. M-May pera naman ako." Ngumisi siya at umiling bago pinisil ang ilong ko. Umawang ang aking labi dahil doon. "Keep your money. Alam kong kailangan mo 'yan." Tumahimik nalang ako at hindi na umapila pa. Tinitigan ko siyang mabuti. Maliban sa kulot niyang buhok at maaliwalas na mukha, wala na silang pagkaiba ni Faustino. Kahit katawan magkatulad silang dalawa. "Palagi kabang napapaaway?" tanong niya habang sumisenyas sa waiter na lumapit. "Hindi e. Ayoko naman ng ganon'." "Halata nga sayo. So,mama mo nasa hospital?" Tinanggap naming dalawa ang menu. Halos hindi ko maintindihan ang mga nandoon. Nangun