Chapter 22 Dare Natahimik ako ng mga oras na iyon. Mas gugustuhin ko nalang na balewalain ako ni nanay kaysa makita siyang nasasaktan,hanggang ngayon. Dahil alam ko ang pakiramdam nun'. Ang hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo. Nanahimik ako at hindi na dinugtungan pa ang mga iyon. Ang sakit sa mga mata ni nanay na nagniningning ay nagrepleksyon sa akin. "Ava! Dito kana sa tabi ko ah! Baka makatulog ako. Gusto kong makita ang mga views papunta roon. Baka makatulog ako!" Si Chelsea at nilagay ang bag sa compartment ng sasakyan. "Sige!" "Mag Drive thru nalang tayo sa Jollibee. Naumay nako sa pagkain sa bahay. Ilang buwan nakong hindi nakapag jobby. Puro mamahaling putahe ang natitikman ko." Mapapasana all nalang tayo ako. Ngumisi ako. "Hayaan niyo doon sa Batangas,baka may