Chapter Thirty "Papatayin n'ya tayo. Kailangan na nating umalis dito, anak." She's beautiful, but she's sick. Kung tititigan lang s'ya, mukha naman s'yang normal. Pero kapag nagsimula nang bumuka ang bibig n'ya ay roon malalaman na hindi s'ya okay. "Mom, konting tiis na lang." Malambing na ani ni Nicholas sa ina. Ngunit nagsimulang humikbi ito. "Ang tagal ko nang naghihintay. Napapagod na ako." Ani nito na nagsimula nang umiyak. No violent reaction. Iyak lang ito nang iyak habang yakap ng anak nito. Ngayon lang ako nakadama ng habag sa loob ng maraming taon at sa isang tao pa na parte ng pamilya Monteleban. Nagawi ang tingin ng Mommy nito sa akin. "Saan Mama mo?" tanong nito na waring hindi katatapos umiyak. "W-wala na." Ani ko rito. "Wala na si Clairel?" tanong nito na ikin