Chapter Thirty-three "Ayaw ko na rito, Kuya Nicholas. Gusto kong maabot pa ang mga pangarap ko. Gusto ko pang maging teacher, gusto ko pang maging guro sa isang public school." Sinulyapan ko si Nicholas na yakap-yakap ang pinsan nito. Tumawag ang babae sa pinsan nito kaya naman pinuntahan namin. "Then leave Santa Estrella," ani ni Nicholas na pinunasan na ang luha ng babae. "Pero ayaw ni Daddy kasi ayaw raw ni Lolo. Magagalit daw si Lolo, Kuya." "Nasa tamang edad ka na to decide. Umalis ka ng Santa Estrella, kung gusto mo talagang abutin ang mga pangarap mo ay magdesisyon ka para sa sarili mo." "You're right. Hindi mahalaga sa akin ang wealth na naibibigay ng family ko sa akin. Gusto ko ng piece of mind. Hindi iyon maibibigay hanggat nandito ako sa Santa Estrella." "Gusto mo bang