PRINCESS "Wow, aga-aga, may LQ kayo?" nakangiting tanong sakin ni Marlo sabay nguso kay Maine na hindi man lang tumitingin sa direction naming dalawa. Malungkot na tumingin muna ako kay Maine bago ikwento kay Marlo yung nangyari kagabi nung hinatid ako ni Maine sa bahay. -FLASHBACK- "Why don't you answer it" malamig na sabi nya habang nagddrive. Papano ba naman kase, kanina pa tunog ng tunog yung phone na binigay sakin ni JAM. Kanina pa sya tawag ng tawag pero cancel lang ako ng cancel kase papano ko naman masasagot 'to kung ang sama-sama ng tingin ng katabi ko diba? "Hindi na, hindi naman yata importante" nakangiting sagot ko. Kailangan kong ibahin yung mood dito sa sasakyan, kanina pa kasi sya nakasimangot eh. Nakakaloka kase, nagseselos sa isang tao na ni hindi pa nga namin nakik

