PRINCESS "What?!" medyo OA na sigaw ko. Papa'no si Amang, sinabi kay Maine na kailangan nyang magtanim at mag-araro ngayong araw. Actually, silang dalawa ni Pot-pot. Jusko, kaya pala kami pinagpalit ng damit kasi gagawin nyang magsasaka yung future girlfriend ko. "May reklamo ka ba prinsesa ko?" tanong naman sa akin ni Amang. "Bakit hindi na lang si Pot-pot? Tutal sya, sanay naman sa ganyan. Si Maine kasi---" "Kaya ko Princess. Kaya ko 'to." putol ni Maine sa sasabihin ko. "Pero." "Hindi lang yang Pot-pot mo yung may kakayahan na patunayan sa Amang mo na karapat-dapat sya sa'yo. Kaya ko rin." sabi pa nya. "Ano?" "Minsan try mong magtiwala sa kakayahan ko. Kapag sinabi kong gagawin ko lahat, ibig sabihin, hindi ako susuko sa kahit anong ipagawa nila. Kung kaya ng Pot-pot mo, kaya ko

