PRINCESS “Pag minamalas ka nga naman!” naiinis na sabi ko habang masama yung tingin sa katabi ko. And leche lang kase sya, nakasmile lang. Kung makangiti sya para hindi maganda yung nangyari samin dito ah! Eh ako nga kanina pa namomroblema tapos sya, parang masaya pa. “Pwede ba Maine, gumawa ka ng paraan, tulungan mo ko! Baka sakaling marinig pa tayo nung guard sa baba!” naiinis pa rin na sabi ko. And kung tatanungin nyo ko kung anong nangyari samin. Well, na-lock lang naman kami dito sa booth. Nauna kasing umuwi si Marlo so nagpresinta tong si Maine na sa kanya na lang ako sumabay kase wala naman akong sasakyan. And syempre, dahil sya yung ‘writer’ sabi nya, baka pwedeng tapusin nya muna yung script bago kami umuwi. So, umoo na lang ako kase ako na nga lang yung makikisabay diba? So y