PRINCESS "Alam mo ba kung bakit kapag may dumadaan na bakla o tomboy sa harap natin, pinapakita ko sa'yo na nagagalit ako?" Napaangat naman yung tingin ko dahil sa tanong na yon ni Amang. Kanina pa kasi ako nakatungo. Hindi ko kasi kayang salubungin yung tingin nila sa akin ni Inang. Tapos eto pa, kasama pa namin si Protacio dito sa loob ng kwarto. Bakit kasi kailangang kasama pa sya? Pwede namang hindi na diba? Kaming tatlo lang dapat dito. Di naman sya kapamilya. "D-dahil ayaw nyo po talaga sa mga tulad nila?" balik tanong ko naman kay Amang. Totoo naman eh. Yun lang naman yung pwede nyang maging rason diba? Nagulat ako nang bigla syang tumawa habang umiiling-iling. Luh. Naloko na rin yata si Amang. Baka hindi kinaya yung natuklasan nya sa pagkatao ko. O baka naman dating bakla pal

