PRINCESS "Sinasabi ko na nga ba! Humarot ka! Humarot kang babae ka dun sa kubo nyo!" malakas na sabi ni Marlo habang hinampas-hampas ako. Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari dun sa kubo nung nasa Laguna pa kami. Tanong kasi ng tanong. Ayoko pa sanang sagutin kaso binanatan ako ng linyang ganito kanina 'Akala ko ba walang secrets Fifi?' Kaya yon, wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanya lahat. As in LAHAT-LAHAT. "So ganyan dapat kalakas yung boses ha?" mahina kong sabi sa kanya. "Sorry naman. Di lang kasi ako makapaniwala na ikaw ang unang dumamoves kay Maine eh. Akala ko ba reincarnation ka ni Maria Clara?" "Ang kulit eh. Andaming sinasabi. Ayun pinatahimik ko. Ayoko ng masyadong madaldal at tamang hinala." "Wooshoo! Ang sabihin mo, matagal mo na talagang planong samantalahin

