Chapter 10 "Bagay sayo.." Napaangat ang tingin ni Kyla kay Clyde ng magsalita ito. They were having breakfast inside her condo unit. Pinagsasaluhan nila ang mga niluto niyang almusal para sa munting surpresa niya sa binata Bacon,tocino, sausage at tapa ang mga iyon na pinaresan niya ng garlic java rice. Iyon ang mga paboritong almusal ni Clyde mula pa noon. "Ang alin?" Nagtatakang tanong niya pagkatapos niyang lunukin ang kanyang kinakain Magaang na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa dahil pakiramdam niya ay nanumbalik silang dalawa sa normal. Normal sakanila noon ang palaging sabay kumakain ng almusal sa umaga sa tuwing nakikitulog ito sa kanyang unit Nagbago lang iyon nitong nakaraang mga araw dahil naghihimagsik ang puso niya. Idagdag pang napaka-busy nito Ngumiti ito habang n